Sa buwan ng Oktubre kasama ang Rosaryo !

 

Sa muling pagkakataon, sama – sama nating lalakbayin ang buwan ng Oktubre, and buwan ng Santo Rosario

Sa maraming probinsya ng mga Dominikano, an ating mga kapatid na mga pari, madre at layco Dominiko ay nagplaplano ng iba’t – ibang paraan kung paano gugunitain ang buwan na ito, sa kaparaanang akma para sa ating Birhen ng Santo Rosaryo

Ang Perigrinasyon ay isinasagawa bilang pagpaparangal sa kanya. Ito nga ang paraan na isasagawa ng dalawang probinsya ng mga Dominikano sa Pransiya, sila ay magpeperigrinasyon sa Lourdes sa unang linggo ng buwan ng Oktubre.

Sa taong ito, ang probinsya ng San Vicente Ferrer sa Gitnang America ang magpaparangal sa Birhen ng Santo Rosario sa isang natatanging selebrasyon.

Ang Birhen ng Santo Rosario ay ang Patron ng Arso – dioses ng San Salvador at ng Guatemala , kaya’t malawak at malalim ang debosyon ng mga Katoliko sa Santo Rosario sa lugar na iyon.

Sa Guatemala, ang taong ito ang kanilang ika 125 – taong annibersaryo ng kanilang taunang selebrasyon ng buwan ng Oktubre, at ikinagagalak ko na ako ay tutungo doon upang makilahok sa mga pagtitipon , kasama ang ating mga kapatid na mga pari, madre at layco.

Magkasama nating pagnilayan ang ating tema, “ Maria, kontemplasyon at pahayag ng Salita ng Diyos “

Hingin natin ang pamamatnubay ng ating Mahal na Birhen ng Santo Rosario upang sa pamamagitan ng kanyang mga halimbawa, ating mapagnilayan ang Salita at maibahagi ito sa mundo.

Isang magandang buwan ng Santo Rosario sa inyong lahat !!!


Fr. Louis-Marie Ariño-Durand, o.p.

Punong-Tagapagpalaganap ng Rosaryo

Category:
Tagalog