2014!

 

Ano ba ang dahilan kung bakit tayo nagdiriwang ng Bagong Taon? Alam naman natin na ang kalendaryo ay ginawa ng walang naman sapat na pagsasaayos…

Ngunit ganun pa man, nagbabatian pa rin naman tayo, at nag-iisip ng mga pwedeng baguhin sa buhay o sa sarili ngayong Bagong Taon ng 2014. Mga pagbabago na tatagal lamang kung hanggang kalian lamang…

Ang Bagong Taon ay nakasunod sa pagtatapos ng nakaraang taon. At ang pagsisimula ng isang bagay ay pagkakataon upang suriin ang nakaraaan, kung naging paano nga ba ang 2013. Hindi maitatanggi na ang lumipas na taon ay may sarili nitong mga liwanag at anino, sariling tuwa at lungkot, sariling tagumpay at kasawian. Ang taong iyon ay naging ganoon at kailangan natin itong ipagpasalamat.

Wika nga ni Santa Jeanne Jugan, ang nagtatag ng “The Little Sisters of the Poor”, “Dapat tayong laging magsabi, Purihin ang Panginoon, Salamat Panginoon, Ipagbunyi ang Panginoon!”. At ito ay sa ano pa man kundisyon ng buhay!

Kaya’t, tayo ay magpasalamat sa Diyos sa taon na lumipas!

Ang panimula ng taon ay natatanging pagkakataon upang tayo ay tumahak sa landas na ating nasa harapan, patungo sa hinaharap, puno lagi ng tiwala at pag-asa.

Sa gayon, ipagkatiwala natin ang itong Bagong Taon sa ating Poong Maykapal sa pamamatnubay ng Birheng Maria!

Hilingin natin sa kanila sa gabayan an gating Santo Papa Francisco, na lagi siyang tulungan at kalingain!

Hilingin natin sa kanila ang kapayapaan. Kapayapaan sa puso ng bawa’t isa, sa bawa’t pamilya, mga komunidad, sa ating bansa at sa mundo!

Idalangin natin sa kanila na gabayan ang ating pamilya, sa haligi ng bawa’t lipunan.

Tanganan muli natin ang ating Rosaryo!
Ito ang magandang pagbabago para sa 2014!
Isang mabuting pagbabago na dapat isagawa ng… buong katapatan!

Maligayang Bagong Taon sa bawa’t isa at sa lahat!


Fr. Louis-Marie Ariño-Durand, o.p.

Punong-Tagapagpalaganap ng Rosaryo

Editoryal
Tagalog